259
mayweather5
By

Pacquiao o Matthysse? It’s a great matchup!- Floyd

Sharing is caring!

Tingin ni Floyd Mayweather, Jr., walang nakakalamang sa paparating na upakan nina eight-division champion Manny “Pacman” Pacquiao at WBA welterweight titlist Lucas La Maquina Matthysse.

“That’s a good match-up, a very exciting fight,” sey ni Floyd, 41, na nasa Pilipinas para sa kanyang world tour. Manny Pacquiao and Lucas Matthysse are great fighters. So it’s a great match-up. They are both former world champions, so it should be a very, very good fight.”

Martes ng madaling-araw nang lumapag ang Air Mayweather, ang private jet ng undefeated boxer at agad ding nagtungo ang kanyang Asian Team sa Palawan upang maglamyerda sa magagandang beach doon.

Nang tanungin kung may tsansa pa silang mag-rematch ni Pacquiao, 39, sinabi ni Floyd na retirado na siya at gurang na. I’m an old man now. There’s no more fight in Floyd Mayweather,” sabi pa nito.

Taong 2015, nag-umbagan sina Pacquiao at Mayweather sa tinaguriang Fight of the Century at naungusan ang Amerikano ang senador sa bisa ng unanimous decision victory.

Pero kung sa kainan o sa basketball, pagbibigyan umano niya si Pacquiao. My love for boxing is like my love for basketball,”panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?