23

By

Pacquiao ninamnam ang nagdaang 25 taon

Nagbalik-tanaw sa nagdaang 25 taon bilang professional boxer si eight-division champion Senator Manny Pacquiao.

“January 22, 1995 – 25 years ago today, I started my professional boxing career,” paunang caption ni Pacquiao sa kanyang Instagram story na makikita ang litrato niyang 16-anyos pa lamang.

Nakasaad rin ang kwento ng buhay niya at kung paano niya ginamit ang boxing upang iangat ang sarili at pamilya sa kahirapan.

“Boxing changed my life forever. It lifted my family and I out of poverty, brought me places I never dreamed I would be, and provided me the opportunities to help others along the way.”

Magugunitang ang unang nakalaban ni Manny bilang pro boxer ay si Edmund Enting Ignacio kung saan pinabagsak niya ito sa four-round decision taong noong Enero 22, 1995.

At mula noon ay nagsimula na ang kanyang pagiging isang kampeon dahil taong 1998 rin nang sumungkit ito ng kanyang pinakaunang world title matapos patumbahin si Chatchai Singwangcha ng Thailand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?