9,634
senador-pacman
By

Pacquiao nilaglag na si Koko Pimentel

Sharing is caring!

Mas gugustuhin Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na maging bagong lider ng Senado si Majority Leader Vicente Sotto III kesa manatili sa puwesto si incumbent Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Katuwiran ni Pacquiao, magiging abala na rin lang naman umano si Koko sa kanyang reelection bid kaya mas mainam na palitan na lang siya ni Sotto bilang bagong Senate President.

“(Ang) SP (senate president) ko si Sotto, (ng) majority (bloc). Busy na rin naman si Koko (Pimentel) kasi mangampanya na (siya),” pahayag ni Pacquiao nang tanungin hinggil sa magaganap na pagbabago sa liderato ng Senado.

Si Pacquiao ay kasalukuyang miyembro ng PDP-Laban kung saan president si Pimentel.

Kung matutuloy aniya ‘change of leadership’ sa Senado sa susunod na linggo, sinabi ni Pacquiao na ihihirit niya si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang Majority Leader kapalit ni Sotto.

“Ni-request ko si Migz (as majority leader). Hindi ko alam (sino pa nag-request) basta nag-request ako na si Migz (majority leader) para naman may representative kami from Mindanao,” sabi ni Pacqiiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?