369

Sep 20, 2021 @ 16:24
By

Pacquiao naubos ang dugo sa Mexican boxer

Ibinunyag ni Senador Manny Pacquiao na isang boksingero ang nagpaiyak sa kanya.

Inamin niya ito sa September 19 vlog ni Toni Gonzaga.

“Ano po ‘yung fight na natalo kayo, na iniyakan n’yo?” tanong sa kanya ni Toni.

“Morales 1,” saad ni Pacquiao.

“Naputukan ako tapos ang daming dugong nawala and then naospital ako after ng fight kasi sa dami ng dugo na nawala parang nag-blur ang paningin ko,” dagdag niya.

Ang Pacquiao-Morales trilogy ay isa sa tinuturing na “Greatest Boxing Trilogies of All Time”.

Una itong naganap noong March 19, 2005 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan nagwagi si Morales sa 116-112 iskor.

Sa rematch nila na ginanap sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas noong January 21, 2006 at tinawag na “The Battle”, rumesbak si Pacquiao at pinadapa si Morales via technical knockout

Muling dinomina ni Pacquiao si Morales sa part 3 ng paghaharap nila na binansagang “The Grand Finale” noong November 18, 2006 sa parehong venue, kung saan tatlong knockout ang pinalasap niya sa Mexican boxer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?