13

Oct 17, 2020 @ 15:14
By

Pacquiao nanginginig na kamao

Hindi pa rin lubusang maiwanan ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang ‘first love’.

At ‘yan ay walang iba kundi ang boksing, na nagbigay sa ‘Pambansang Kamao’ ng daan patungo sa katanyagan.

Ngayon, wala pang balak na magretiro si Pac-Man at naghahanap pa ng makakabasag-ulo sa Twitter.

“Iā€™m in the mood to fight. #TeamPacquiao,” saad ni Pacquiao na may boxing gloves emoji pa.

Sa ngayon ay wala pang matunog na pangalan ng susunod na kasapakan ng 41-year old legendary boxer.

Naungkat ang usapan ng sana’y megabout nila ni UFC star Conor McGregor, ngunit mukhang malabo na itong mangyari sa lalong madaling panahon dahil may MMA bout ang Irish sa Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?