the-pacman
By

Pacquiao nanggigigil bumawi kay Floyd

Sharing is caring!

Gigil pa rin si eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao na maipaghiganti ang pagkatalo niya kay undefeated American boxer Floyd Mayweather, Jr.

Kaya naman kahit nasa kalagitnaan na ng paghahanda para sa July 15 clash niya kay Lucas Matthysse para sa WBA 147-pound belt, muling nag-ingay ang 39-anyos na nais nito ng rematch sa tinaguriang ‘Pretty Boy’ na si Floyd.

“Absolutely I would want the rematch! I hope Mayweather comes out of retirement and we can fight again,” saad ni Pacquiao.

Nitong nagdaang linggo ay bumisita ng ilang araw sa Pilipinas ang retirado nang si Mayweather, 41, subalit hindi sila nagkaroon ng pagkakataon ni Pacquiao na magkausap ng personal.

Iginiit nitong retirado na siya sa boksing at kung babalik man ay malamang sa octagon at rematch kay Conor MacGregor.

Tingin ni Pacquiao, mahihirapan si Mayweather kung MMA rules ang gagamitin.

“McGregor was the perfect opponent to hype a fight for Mayweather. But now he will be entering the lion’s den if he fights McGregor using MMA rules” ayon kay Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?