40

Apr 8, 2020 @ 16:14
By

Pacquiao nanawagan sa hotel owners: Baka pwedeng gawing quarantine facility ang inyong hotel

Nananawagan si Senator Manny Pacquiao sa mga hotel na tumulong para gawing temporary quarantine facilities or gawing tirahan ng mga frontliners ang kanilang mga hotel.

Ito ang kanyang ibinahagi sa DZMM TeleRadyo nitong Miyerkoles, kung saan tinawag nya itong “hero’s hotel” upang makatulong sa mga frontliners na tunay na hero sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Dagdag pa nito, maglulunsad rin si Sen. Pacquiao ng “hero’s fund” na kanyang pangungunahan.

Sasagutin nito ang lahat ng expenses ng mga frontliners, mga pasyente na pumanaw, nadapuan ng COVID-19 at mga naapektuhan ng krisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?