4

Sep 27, 2020 @ 20:35
By

Pacquiao namumuro sa pustahan kontra McGregor

Kapag may malaking boxing bout, hindi syempre mawawala ang pustahan kung saan nakikita kung sino ba ang nakalalamang sa dalawang boksingero.

Sa magiging laban nina Manny Pacquiao at Conor McGregor, klaro na ang ‘Pambansang Kamao’ ang pinapaboran ng mga oddsmaker.

Sa online sports betting na Bovada, -450 ang taya para sa fighting senator.

Ibig sabihin, kailangang tumaya ka muna ng $450 bago manalo ng $100 na pusta dahil sa dami ng inaasahang pumanig kay Pac-Man.

Samantala, +325 naman si McGregor na nagpapakitang dehado ito laban sa eight-time world division champion.

Kinumpirma ng dalawang kampo ang nilulutong salpukan na gaganapin sa Middle East sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?