104

Aug 19, 2019 @ 18:29
By

Pacquiao namudmod ng pera sa Sarangani

Marami na namang napangiti at natulungan si Senator Manny Pacquiao sa kumalat na balitang namigay ito ng balato sa kanyang mga kababayan pag-uwi nito sa kanyang probinsya sa Sarangani.

Sa nakalap na report sa Pinoytrend, napabalitang matapos kumita ng $20 milyon o singhalaga ng P1.05 bilyon sa pagkakapanalo ng fighting senator sa laban nito kontra American boxer Keith Thurman ay binigyan nito ang kanyang mga kababayan ng pera.

Sa pinost na video ng personal assistant ni Pacman na si David Sisson ay makikitang pinasyalan ng senador ang isang liblib na lugar sa Saranggani at namigay ng pera.

Tig-1000 ang mga matatanda at P500 naman kada isa ang binigay nito sa mga younger residence.

“Maraming salamat po,” sobrang pasasalamat ng isa sa mga kababayan ng Pambansang Kamao.

Makikita naman umano sa mukha ng Pinoy ring icon ang tuwa habang tumutulong.

Noong taong 2017 ay nag-trending din sa social media ang pag-share ng Pinoy champ sa natanggap niyang blessings matapos ang pakikipagbakbakan nito sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?