338

Jul 17, 2021 @ 17:10
By

Pacquiao nalungkot sa pagdaraos ng PDP-Laban assembly

Ikinalungkot ni Senador Manny Pacquiao na natuloy pa rin ang national assembly ng PDP-Laban ngayong Sabado.

Sa isang statement, inihayag ni Pacquiao ang pagkadismaya nito na inuna pa raw ang politika kaysa pag-asikaso sa pandemya.

“Nakakalungkot na nakapasok na ang Delta variant sa Pilipinas at kapag hindi maagapan, marami ang maaaring mahawa. Ito dapat ang prioridad ng ating gobyerno,” saad ni Pacquiao.

“Kung sa tingin nila Cusi at iba pa na mas importante ang politika sa ngayon, bahala na sila. Sa huli, isa lang naman ang tanong na dapat sagutin. Sino ba ang sasamahan ng taong bayan?” dagdag pa ng senador.

Sa naturang national assembly ay idineklarang bagong party president si Energy Secretary Alfonso Cusi, na kapalit mismo ni Pacquiao.

Nauna nang idineklara ng boksingero at senador na unauthorized ang assembly. Gayunpaman, kasama sa naturang gawain si Pangulong Rodrigo Duterte na nanguna pa sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng partido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?