309

By

Pacquiao nagsalita na: Rematch kay Mayweather? Posible!

Sharing is caring!

Inihayag ni Senador Manny Pacquiao na malaki ang posibilidad na maglaban silang muli ng Amerikanong boxing champ na si Floyd Mayweather Jr.

“There is a possibility, malaki. Gusto niyang bumalik eh. Gusto niyang agawin daw ang belt ko,” sabi ni Pacquiao.

Pero niliwanag ng ‘Pambansang Kamao’ na pinag-uusapan pa ang detalye at maari itong maisapinal hanggang sa susunod na linggo.

Bukod kay Mayweather Jr., ikinukunsidera ni Pacquiao ang iba pang posibleng makalaban.

“Ma-finalize na this week ‘yung fight, either Mayweather or somebody else, kung saan at kung kailan, anong date,” sabi ni Pacquiao.

“Andyan si Amir Khan, Terence Crawford, Adrien Broner, marami namang posible,” dagdag nito.

Tulad sa pinakahuli niyang laban sa Malaysia, posibleng ang kaniyang kababata at kaibigan na si Buboy Fernandez muli ang kaniyang trainer.

“Matindi (na training). Wala naman akong worry sa training dahil andiyan si Buboy,” sabi nito.

Malabo naman aniya na mangyari sa Disyembre ang laban dahil magiging abala siya sa Senado dahil tatalakayin sa panahong iyon ang panukalang 2019 national budget.

“Isa rin ‘yun sa consideration natin na titingnan na hindi maapektuhan ‘yung trabaho natin. Maraming trabaho ngayon dito at may break naman ng October hanggang first week of November. Tingnan natin,” tugon ni Pacquiao.

Kinumpirma na napag-usapan nila ni Mayweather Jr. Ang rematch noong magkita sila sa isang okasyon sa Japan..

“Nagkita kami sa Japan sa isang event. Maganda, malaking laban ‘yan. ‘Yun lang nagtakbo kami ni Mayweather sa Japan e grabe na ang reaction ng mga fans. Sabi niya ‘easy fight, easy fight.’ Sabi ko ‘let’s get it on and get back to the ring, we will fight. I have the belt,” dagdag ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?