47

Oct 1, 2021 @ 11:35
By

Pacquiao naghain ng COC sa pagka-presidente; Lito Atienza kanyang VP

Si Senador Manny Pacquiao ang unang presidential candidate na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa May 2022 elections.

Ang running-mate ni Pacquiao na si Buhay party-list Representative Lito Atienza, ay naghain na rin ng kanyang COC para pagka-bise presidente.

Sinamahan si Pacquiao ng kanyang maybahay na si Jinkee, at Senador Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

Bago maghain ng COC, nagkaroon ng motorcade ang senador sa lungsod ng Maynila.

Ang paghahain ng COC para sa national post ay ginawa sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila compound sa Pasay City. (DIndo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?