837

May 19, 2019 @ 12:28

Pacquiao nag-host ng dinner para kay Bato, Go, iba pang ‘incoming senators’

Nagsagawa ng dinner party si Senator Manny Pacquiao nitong Sabado para sa mga kandidatong napabilang sa Magic 12 sa katatapos lamang na midterm elections.

Ibinahagi ni Senator Ralph Recto ang naturang pagdiriwang sa kaniyang social media.

“first dinner meeting with incoming senators,” saad ni Recto sa kaniyang caption.

Nasa larawan na naka-poste sa social media account ni Recto sina Bong Go. Bato dela Rosa, Francis Tolentino, Koko Pimentel, at Bong Revilla.

As of 8pm ng Sabado, ang lahat ng kandidatong nabanggit ay kabilang sa top 12 ng partial at official tally ng Comelec.

Sa naturang larawan ay kasama ng mga ito sina Pacquiao, Senate President Tito Sotto, mga senador tulad nina Ralph Recto at Migz Zubiri, ang PDP-Laban’s deputy campaign manager na si Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Nagbahagi rin sa social media ng kanilang larawan si Pimentel.

“PDP Laban 18th Congress Senators; Senator Manny Pacquiao, Senator Bong Go, Senator Bato Dela Rosa, Senator Koko Pimentel & Senator Francis Tolentino with PDP Laban Vice-Chairman Secretary Alfonso Cusi, Deputy Campaign Manager Congressman Dong Gonzales & my wife, Kathryna Yu-Pimentel,” ani Pimentel.

Samantala hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pormal na prinoproklama ang mga nanalong senador. (Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?