39

Apr 20, 2020 @ 20:52
By

Pacquiao muling hinamon ni Khan

Muling hinamon at kinalampag ni Amir Khan si fighting Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Kahit nasa gitna ng COVID-19 crisis, di nagpatinag bagkus ay muling inungkat ng British boxer ang matagal na nitong wish na makabanatan ang Pinoy boxing legend na naging kakuwadra niya noon.

Sa isang panayam ay muling pinasaringan ni Khan si Pacman.

Aniya, matagal na niyang pangarap na makasapakan ang Pambansang Kamao.

Bukod sa matikas ito at legend o great fighter pa, kumpiyansa ang Brit na swak din si Pacquaio sa kanyang kakayahan.

Lantaran din niyang inamin na pareho naman silang makikinabang sa `financial sense’ kaya kailangan na aniya pag-isipan ni Pacman ang kanyang hamon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?