60

Oct 1, 2019 @ 15:38

Pacquiao, MPBL nilangaw sa Dubai

Dumayo ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019 sa espesyal na out-of-the country tour sa Dubai nitong weekend kasama pa mismo ang founder ng liga na si Senator Manny Pacquiao.

Pero walang epek sa mga Pinoy na nasa Dubai ang pagdayo ni Pacquiao dahil nilangaw umano ang laro ng MPBL doon.

Sa social media, nagpiyesta ang mga netizen na nang-aasar sa nilangaw na exhibition game nina Pacquiao kontra Dubai All Stars.

“Larong kanto nakaabot sa dubai hahaha walang tao bat kunti nanonood boring kasi yan parang practice game lang nakakahiya ang mpbl,” pang-aasar ni Twitter user @RudyIya.

“Itigil nyu nay an mpbl at many pacman wala hindi kayo sikat sa dubai pang local lang ang mp bl hahaha uwi na kayu at matulog haha,” dagdag pang-aalaska nito.

Sey naman ni @DennisSantiago: “Nilangaw”

Pahabol pa ni @AmielAlpajaro: “Praktis game haha wlang tao kung gilas yan madmi pupunta.”

Maging si netizen @RommelReyes ay natawa sa kaganapan matapos magpahayag na, “wala nanonood ahahahahah.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?