85

Dec 28, 2019 @ 21:11
By

Pacquiao, MPBL dinumog sa Canada

Dinumog sa Calgary, Canada si Senator Manny Pacquiao, na dinala ang kanyang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), sa Filipino community doon.

Sa ulat ng Calgary Herald, pinagkaguluhan agad si Pacquiao sa international airport pa lang ng siyudad at sinundan pa sa hotel na kanyang tinuluyan.

“It’s an honor to meet a celebrity and he’s a pretty big deal for this huge Filipino community,” sabi ni Fil-Calgarian Trisha Razote sa ulat na lumabas sa ABS-CBN.

“It’s just always nice when we get a chance to meet a celebrity who’s not from Canada.”

“I’m happy to be here and I’m happy to meet my fellow countrymen, Filipino people,” sambit naman ng senador.

Pinataob ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang Imus Bandera Luxxe Slim, 88-72, sa unang out of the country game ng MPBL sa Canada sa pagpapatuloy ng Lakan Cup sa larong ginanap sa Seven Chiefs Sportsplex.

Dadayo rin ang MPBL sa Edmonton, kung saan sasabak ang Imus kontra select team ng lugar.

Una nang nag-out of the country ang MPBL sa Dubai sa simula ng taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?