3,828

By

Pacquiao minalas, mansyon sa LA ninakawan!

Matapos magwagi kontra kay Adrien Broner, isang kalunos-lunos na pangyayari ang sumambulat kay Manny Pacquiao nang umuwi ito sa kanyang bahay sa Los Angeles.

Hindi pa nailalabas ang detalye nang nasabing pagnanakaw ngunit dumating na ang awtoridad sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa tweet ng Philippine Star sportswriter Dino Maragay, kinordonan na umano ang residence ni Pacquiao para imbestigahan ang pangyayari.

“A citizen contacted authorities to report the burglary on the 500 block of N. Plymouth Boulevard in the Larchmont area at approximately 4:15 p.m., according to the Los Angeles Police Department,” saad naman sa report ng NBC San Diego.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?