74

Mar 14, 2020 @ 16:42
By

Pacquiao meron nang bubugbugin

Maraming fighter ang nasa radar ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao bilang sunod nitong makakasapakan.

Ngunit sino nga ba sa kanila ang swak sa kanyang panlasa?

Errol Spence? Alanganin si Spence dahil nagtamo ito ng injury sa kinasangkutang car crash nitong nakaraang taon.

Terrence Crawford? Pwede sanang pantapat si Crawford ngunit wala na umano sa bokabularyo ni Manny na bumalik sa dati nitong promoter na si Bob Arum maliban na lang kung magkakasundo sila sa multi-fight deal.

Mikey Garcia? Isa rin sa magandang kalaban sana ito ni Manny ngunit hindi naman magri-risk ang mga organizer at promoter nito dahil kakatumba pa lamang nito kay Errol Spence.

Gayundin si Danny Garcia na kailangan munang bumangon at pabanguhin ang pangalan dahil bumagsak ito kina Shawn Porter at Keith Thurman.

Dahil puro alanganin ang nakahilerang mga pangalan ay maliwanag na si Gervonta Davis ngayon ang puwedeng isabak kay Pacman dahil kasalukuyan itong nasa lightweight division at limang pound na lang ang kailangan para maipantapat na kay Manny sa welterweight division.

Matatandaang hinamon na rin ni Davis si Manny matapos patumbahin ng senator ang katunggaling si Adrien Broner.

Bukod sa magandang match-up ay bago rin ito sa paningin ng mga miron lalo na sa drama at showbiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?