194

By

Pacquiao-McGregor fight ikakasa

Matapos magpakitang-gilas sa kanyang huling laban si Conor McGregor, marami na ngayon ang nakaabang at excited kung kailan ang pakikipag-upakan nito kay ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Noong Huwebes ng nakaraang linggo ay nagdesisyon ang MMA superstar na muli siyang babalik sa boxing.

Nasa radar niya sina Senator Manny at retired undefeated champion Floyd Mayweather Jr.

Nabanggit niya ito bago gulantangin ang publiko at kanyang mga kritiko sa mala-kidlat niyang pakikipagbakbakan kay Donald Cerrone kung saan sa loob lang ng 40 segundo ay bagsak agad ang kalaban sa UFC 246 nitong Sabado sa T-Mobile Arena Arena sa Las Vegas.

Magugunitang sinabi ni MP Promotions President Sean Gibbons, kailangan munang magwagi ni ‘The Notorious’ bago tangkaing harapin ang fighting senator.

“After that, if you want to get a proper fight, good to see ya,” sabi kamakailan ni Gibbons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?