49
freddie-roach
By

Pacquiao-Mayweather II mangyayari — Roach

Malaki ang posibilidad na masundan ang 2015 “Battle for Greatness” sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Ayon kay Roach, ang pagkikita kamakailan nina Pacquiao at Mayweather sa NBA Filipino Heritage Night sa labanang Los Angeles Clippers at Charlotte Hornets ay isang indikasyon na magkakaroon ng rematch ang dalawa sa pinakamagagaling na boksingero sa kanilang panahon.

“You know that there’s a reason why Floyd went on TV the other night (during an NBA Filipino Heritage game that honored Pacquiao), and it’s to show the world that he’s still there,” saad ni Roach.

“And I think that part of the reason, I think the winner of this fight (Pacquiao against Adrien Broner) has the chance of getting him (Mayweather), I hope so yes, because that’s the one fight I would like to have back. I know we can do better.”

Sabi ni Roach, kung mabibigyan ulit ng pagkakataon, babawian niya at ni Pacquiao ang undefeated American champ.

“Hopefully that happens, if not there’s a lot of guys out there who are big names, but Mayweather’s my first choice,” sabi pa ni Roach.

Natalo si Pacquiao kay Mayweather noong 2015 via unanimous decision at isa sa mga dahilan ang iniindang shoulder injury noon ng Pinoy ring idol.

Idedepensa ni Pacquiao ang kanyang WBA weltwerweight title kontra Broner sa Enero 19 (January 20/Manila time) sa MGM Grand, Las Vegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?