55

Jul 25, 2018 @ 14:28
By

Pacquiao, may niluluto pang laban ngayong taon

Balak nang sumabak ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao sa isa pang laban kahit na isang linggo pa lamang ang nakakalipas nang mapasakamay niya ang WBA title.

Nagpaplano na raw ang Team Pacman sa kaniyang ikalawang laban ngayong taon.

Pero hindi pa sila sigurado kung sino ang makakalaban ni Pacquiao.

“Wala pa [kaming napipiling kalaban]. [Pero, we are] planning ang fight sa December 2,” saad ni Pacquiao sa isang interbyu.

Bago ang Pacquiao-Matthysse fight ay sumailalim sa angiogram si Pacquiao sa Cardinal Santos Medical Center pero hindi na siya bumalik ng ospital matapos ang kaniyang seventh round TKO victory noong July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Aniya, nasa maayos na kondisiyon naman siya, at wala namang nakitang problema sa kaniyang puso. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?