29

By

Pacquiao, Matthysse bakbakan sa Malaysia BUGBUGAN NA!

Sharing is caring!

Manalo o matalo, kuntento na ako. Magtagumpay o mabigo, masaya na ako.

Ito ang mensahe ni Manny Pacquiao isang araw bago ang tangka niyang pag-agaw sa WBA welterweight crown ng Argentinean knockout artist Lucas Matthysse ngayon sa kanilang ‘Fight of Champions’ sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kahapon, kapwa pasok sa 147-pound limit ang dalawang boksingero sa isinagawang official weight in. Tumimbang si Pacquiao ng 146 libras habang 146.7 pounds naman ang nagtatanggol na kampeon.

“I have always been a boxer. Boxing has been my country’s (Philippines) source of pride and my humble contribution to my fellowmen. When I won one world title after another until we had 10 world titles in eight divisions, it felt like we have won the World Cup many times over,” kwento ng 39-anyos na si Pacquiao, na huling sumabak sa boxing ring Hulyo 2017 nang maagawan ng WBO 147-pound belt ni Aussie Jeff Horn sa Brisbane, Australia via controversial unanimous decision.

Ang kampeon, sinabing inirerespeto niya ang legendary boxer na si Pacquiao, tinagurian ding ‘Mexicutioner’ dahilsa daming Mehikanong pinatumba. Pero giit ni Matthysse, 35, hindi siya Mexican.

“Yeah, I know that [he’s called the Mexicutioner]. I know he’s great against Mexicans, but I’m sorry to say that he has yet to fight and win over an Argentine,” deklara ni Matthysse, nagpabagsak ng 36 karibal sa 39 panalo, habang meron naman siyang apat na talo.

Sa panig ni Pacquiao, puntirya nito ang ika-60 panalo kontra pitong talo at dalawang draw kasahog ang 38 KOs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?