371

Oct 21, 2021 @ 18:22
By

Pacquiao: Matibag bastos, parang walang pinag-aralan

Tinawag ni Senador Manny Pacquiao na “bastos” si National Transmission Corporation president Melvin Matibag.

Ito ay matapos siyang akusahang ginagamit lang ang pagdinig sa Senado para sa political agenda.

Bago nito, pinaalis ni Senador Win Gatchalian, namuno sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2022 badyet ng Department of Energy (DOE), si Matibag dahil alegasyon nitong pinupulitika lang ni Pacquiao ang pagdinig.

“Sorry for that. Bastos itong si Atty. Matibag eh. Sayang ang pagka-lawyer niya eh parang walang pinag-aralan,” patutsada ni Pacquiao kay Matibag.

“Pinagyayabang pa niya na mas matalino siya pero dito sa attitude niya eh, walang kagalang-galang parang hindi nakapag-aral… Akala mo kung sinong matapang. Akala niya tatayo ang balahibo ko sa kanya,” dagdag pa nito.

Maging si Energy Secretary Alfonso Cusi ay humingi ng paumanhin sa inasal ni Matibag sa pagdinig.

“If you are offended by Atty. Matibag, I have to make that apology considering he comes from DOE family,” sabi ni Cusi.

Kasalukuyang may banggaan ang kampo nina Pacquiao at Cusi dahil sa alitan nila hinggil sa kung sino ang may kapangyarihan sa ruling party, ang PDP-Laban.

Si Pacquiao ay kaalyado ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III habang si Cusi ay suportado ni Matibag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?