833
Pacquiao mapupuruhan ni Spence
Aug 31, 2019 @ 16:58
By

Pacquiao mapupuruhan ni Spence

Mas kampante si Top Rank CEO Bob Arum kung si Floyd Mayweather, Jr. ang makakasagupa ni WBA welterweight kingpin Manny Pacquiao kaysa si IBF 147-pound champion Errol Spence, Jr.

“He won’t take that fight and shouldn’t take that fight, because there’s only one winner and he can get hurt,” nag-aalalang sambit ni Arum.

“If he gets Mayweather, great. They do [the rematch], nobody gets hurt.”

Giit ni Arum, kung si Spence ang makakatapat ng ‘Pambansang Kamao’ ay tiyak matatalo ang Pinoy ring legen at maaari pang magkaroon ng serious injury dahil masyadong malaki, malakas, matikas, magaling at ‘di hamak na mas bata ang American professional boxer.

“He’s 41 years of age. Now, he looked great with (Keith) Thurman. But he took punches like he’s never taken before,” saad pa ni Arum patungkol kay ‘The Pacman’.

Lumutang ang posibleng bakbakan nina Pacquiao at Spence dahil sakaling matalo ni Spence si Shawn Porter sa unification bout nila ngayong Setyembre 29 (Manila time) sa Staples Center sa Los Angeles ay ipipila na rin ang bakbakang Pacquiao-Spence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?