50

By

Pacquiao, mamayang gabi o sa Martes darating ng ‘Pinas

Matapos makuha ni Manny Pacquiao ang titulo ng World Boxing Association super welterweight kay Keith Thurman Jr., magbabalik bansa agad ang Pambansang Kamao.

Ayon sa Abante entertainment columnist na si Jun Lalin, posible umano itong dumating mamayang alas-11:00 ng gabi (July 22) o ala-una ng madaling-araw sa Martes (July 23).

“6 pm alis ni Manny, mag-refuel daw sa Alaska. Baka 11 pm mamaya (July 22) o 1 am (July 23) darating ng Pilipinas,” sabi ni Lalin.

Wagi si Pacquiao via split decision, 115-112, ang naitala nina judges Dave Moretti at Tim Cheatham pabor sa boxing senator samantalang 114-113 naman ang kay judge Glenn Feldman para kay Thurman nitong Linggo (Sabado ng gabi sa Estados Unidos) sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?