587

By

Pacquiao magpapagod, pero walang mapapala

Sharing is caring!

MAGSASAYANG lang ng oras si Manny Pacquiao sa pagpunta nito sa Malaysia. Pagkalipas ng bakbakan, bitbit muli ni Lucas Matthysse ang korona pabalik ng Argentina.

Ito ang deklarasyon ng WBA 147-pound ruler na tinaguriang ‘La Maquina’, na sinabing mabibigo ang 39-anyos na agawin ang kanyang korona.

“He is a great champion but he still hasn’t faced ‘The Machine’,” pabida ng 35-anyos dalawang araw bago ang ‘Fight of Champions’ nila ni Pacquiao sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Dagdag nito, wala siyang pakialam kung magreretiro na ang Pambansang Kamao matapos niya itong pulbusin sa darating na Linggo.

“If he decides to retire after I beat him then that is his decision, I am here to defend my title,” pagyayabang ni Matthysse.

Sa panig ng Pinoy ring idol, nangako itong magbibigay ng magandang laban para sa boxing fans.

“I believe we can create good action in the ring so the fans will be happy,” sabi ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?