Pacquiao, magbubukas ng boxing academy sa China

Sharing is caring!

Magtatayo si Pinoy boxer at Senador Manny Pacquiao ng international boxing academy sa Beijing, China.

Ayon sa AFP News, kasama umano ang planong ito sa naganap na signing ceremony sa pagitan ni Pacman at ng Chinese sports-development firm Dancing Sports.

Layon umano nito na magkatiyansa na magkaroon ng Chinese world champion at tulungang itaguyod ang sport sa nasabing bansa.

Tatawagin itong Manny Pacquiao International Boxing Academy.

Ayon kay Zhou Wenxin, chairman ng Dancing Sports, lalong magpapatibay ito sa relasyon ng China at Pinas.

Kukuha sila ng mga coach mula sa ibang bansa upang i-develop ang Chinese boxing.

Unang inanunsiyo ang planong ito ni Pacquiao noong 2014 kung saan naniniwala ang senador na makakatulong ito sa ugnayan ng Pilipinas at China na may sigalot sa South China Sea.

Idinepensa naman ni Pacman ang desisyong magbukas ng boxing academy sa China imbes na sa sariling bansa na Pilipinas.

Aniya, “In the Philippines we don’t have a problem (producing good boxers).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?