18

Jan 13, 2021 @ 22:53
By

Pacquiao liyamado vs McGregor – Holyfield

Aminado si former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander ‘The Real Deal’ Holyfield na liyamado si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Middle East.

Pero hinirit nang ngayo’y 58-year-old, 6-foot-2 ½ American at nagretiro noong 2014, na hindi naman malayong masilat ang Pinoy ring icon sa sport niya, dahil taglay ng Irish mixed martial arts (MMA) superstar ang lakas, puso, abilidad at palaban.

“McGregor’s strength is grabbing people and turning people and flipping people, where he had more things to think about. However, anybody who gets in the ring has some chance, I believe. You ain’t getting in the ring if you think you ain’t got a chance. And McGregor has some skills too,” litanya ni Holyfield sa The Sun.

Hinirit pa ng Alabama native na pinag-isa noong sungkitin ang mga korona ng World Boxing Association (WBA), World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF), “He has that heart to fight, heart of a fighter. He can fight so ain’t nobody just going to beat him up in no kind of way. Just like the boxers, he has the mentality of a fighter.”

Pinayuhan din ni Holyfield na huwag makipagsabayan ang manok niya ng upakan kay Pacquiao at sa halip ay gamitin ang kalamangan sa haba ng mga braso sa pag-atake. Handa rin aniya siyang tulungan si McGregor sa paghahanda kung naisin nito laban sa Pambansang Kamao.

Nanakatakdang harapin muna ni McGregor, 32, si UFC interim lightweight champ Dustin Poirier ng Estados Unidos sa UFC 257 sa Abu Dhabi sa Jan. 23.

Ipinahayag naman ng 42 taong-gulang na si Pacquiao ang dalawang akyat sa ring sa taong ito makaraang mamahinga sa nakalipas taon sanhi ng Covid-19.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?