18

Jun 26, 2021 @ 14:37
By

Pacquiao lilipad pa-LA sa Hulyo 3

Nakatakdang lumipad pa-Los Angeles, California sa Hulyo 3 si people’s champ at Senador Manny Pacquiao bilang paghahanda sa kanyang laban kontra Errol Spence sa Agosto.

“Ngayong July 3, para pagdating ko doon hindi na ako mahihirapang mag-adjust,” wika ni Pacquiao.

Sa kasalukuyan ay sa General Santos City idinadaos ang training ng eight-division champion.

Malaking hamon ang naghihintay kay Pacman sa kanyang pagharap sa walang talong si Spence (27-0, 21 KOs).

Ang Amerikanong boksingero rin ang may hawak ng WBC at IBF welterweight belts na kanyang idedepensa laban sa Pinoy boxing legend.

Sa Agosto 22 (oras sa Pilipinas) mangyayari ang sagupaan sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?