42

Sep 29, 2017 @ 17:16

Pacquiao, lie low muna sa social media

Babawasan muna ni Senador Manny Pacquiao ang paggamit ng social media makaraan ang viral comment nito sa Instagram.

Inamin ni Pacman na siya mismo ang namamahala sa kanyang Instagram account at lahat ng komentong naglabasan ay mula sa kanya.

Gayunman, hindi anya dapat bigyan ng malisya ang lahat ng kanyang mga komento dahil natural lamang anya na kapag nakita siyang nagvi-view ay tiyak na babatiin siya.

“Marami lang masamang isip. Sa akin ipagpray ko na lang sila,” saad ng Pambansang Kamao nang tanungin sa kanyang mensahe para sa mga nagba-bash sa kanya.

Inihayag pa ng senador na mismong ang kanyang misis na si Jinky ay wala namang masamang komento sa mga naging pakikipag-ugnayan nya sa social media.

Sinabi ni Pacquiao na simula ngayon ay magla-lie low muna sya sa social media upang hindi na siya malagay pa sa kontrobersiya.

“Hindi na ako uli nag IG (Instagram), hindi na ako nagpipindot ng mga live, magpo-post na lang,” saad ni Pacquiao.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?