91

Mar 7, 2018 @ 16:57
By

Pacquiao, Legarda, 6 kongresistang reservists lusot sa promosyon sa CA

Mabilis na inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang promosyon ng dalawang senador at anim na kongresistang military reservists mula sa ranggong lieutenant colonel tungong colonel.

Mula sa unang beses na confirmation hearing kung saan wala nang tanungan, agad naprubahan sa plenaryo ng CA ang pag-akyat ng ranggo nina Senadora Loren Legarda at Senadora Manny Pacquiao.

Umakyat din ang ranggo nina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, Cavite Rep. Roy Loyola, Cebu Rep. Gwendolyn Garcia at Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema.

Nakasuot sila ng uniporme ng military nang humarap sa CA.

Mabilis lang ang kumpirmasyon dahil kaibigan ng pito ang mga kapwa senador at kongresistang kasapi ng komisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?