51

Oct 25, 2021 @ 21:36
By

Pacquiao kumasa kina Bata, Django

Nakipagtagisan ng diskarte sa bilyar si Senador Manny Pacquiao sa mga legend na sina Efren “Bata” Reyes at Django Bustamante sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat, nagwagi si Pacquiao sa 9-ball match nila.

Nangyari umano ang friendly match nang bumisita si Pacquiao sa Barangay Malamig matapos magpahayag ng suporta sa presidential bid niya sina Reyes at Bustamante.

Titiyakin daw nila na magpapatuloy ang pagtulong sa mga atleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?