113
pacquiao

Pacquiao kumambiyo sa ‘pagsipa’ kay Roach

Sharing is caring!

Nilinaw ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao nitong Lunes na wala pa siyang desisyon hinggil sa kung sino ang magiging trainer niya sa July 14 fight kay World Boxing Association welterweight champion Lucas Matthysse.

“I have not made my final decision who will be my head trainer for my July 14 fight with Matthysse,” ani Pacquiao sa kanyang Twitter account.

Naglabas ng pahayag si Pacquiao matapos ianunsiyo ng matagal nitong naging head trainer na si Freddie Roach ang ‘pagsipa’ na sa kanya ng una.

Sinabi ni Roach na nasaktan siya sa ginawang pagsibak sa kanya ni Pacman dahil hindi muna siya kinontak nito.

Ani Pacquiao, ang adviser niyang si Mike Koncz ang nakikipag-ugnayan kay Roach.

Sabi pa ng senador ding si Pacquiao, magdedesisyon siya kung papakawalan si Roach sa loob ng isang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?