53

Sep 26, 2020 @ 12:50
By

Pacquiao: Kita sa McGregor fight, ibubuhos sa COVID efforts

Kinumpirma ni Manny Pacquiao na kanyang lalabanan si UFC star Conor McGregor sa susunod na taon.

Ayon sa nialabas na pahayag ng special assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson, sinabi nito na karamihan sa kanyang kikitain sa naturang laban ay gagamitin para ipangtulong sa COVID-19 effort.

“The huge portion of his earnings will proceed to those who are affected nationwide by the pandemic,” saad ni ‘Pambansang Kamao’.

Ngunit ngayon, ayaw na muna pag-usapan ng eight-time world division champion ang detalye ng laban habang nasa kalagitnaan pa ng pandemya ang bansa.

“His main focus right now is to help here and there, provinding relief, shelter, money and food, among other necessities,” ayon pa sa kampo ni Pacquiao.

Nakalahad din sa statement na pinaplantsa na ng kanilang mga abogado ang nilarawang ‘epic last boxing fight’, na posibleng mangyari sa Middle East.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?