817

Oct 26, 2021 @ 20:56
By

Pacquiao kinakapos daw, binebenta ari-arian

Ikinuwento ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang sinabi ng kanyang source tungkol kay Senador Manny Pacquiao.

Tsika niya sa episode ng “Cristy Fer Minute”, nagbebenta na umano ng ari-arian sa General Santos City ang Pambansang Kamao.

“Balitang-balita sa south ito, sa GenSan, na nagbebenta raw ng mga properties si Senador Manny Pacquiao. Nagbebenta raw ng bahay, ng mga lote na nabili nila. Ganun.

“Ang interpretasyon ko naman dun, hindi sa anupaman, baka dun niya kukunin ‘yung gagamitin niya sa kampanya ‘di ba?”

“Baka ‘yung naiipon naman nila ay itinabi na talaga, naka-time deposit na para sa kanyang pamilya at sa kinabukasan nila. ‘Yun naman ang interpretasyon ko. Pero parang hindi naman ganun ang interpretasyon nung nagkuwento.

“Parang kinakapos daw. Naaalala ko tuloy si Gov. Chavit Singson. Mauubos ang pera niya, matatalo pa siya ‘di ba? ‘Yun ang sinabi niya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?