22

Jan 20, 2021 @ 10:14

Pacquiao kay McGregor: Tumutok muna kay Poirier

Dapat munang magpokus si Conor McGregor sa UFC 257 fight nito laban kay Dustin Poirier.

Ito ang gusto ni Manny Pacquiao na gawin ni McGregor bago gawing pinal ang kontrata para sa bakbakang Pacquiao-McGregor.

Sabi pa ng special assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson, panonoorin ng “Pambansang Kamao” ang labanang McGregor-Poirier, Linggo, sa kanyang bahay sa Makati.

“It is really a no-brainer” na maglalaban ang dalawa mula nang lumagda si Pacquiao sa Paradigm Sports Management, ayon pa kay Joson, sa ulat ng CNN PH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?