49
manny-pacquiao-floyd-mayweather
Aug 21, 2019 @ 14:54
By

Pacquiao kay Mayweather: Papansin ka na naman!

Hindi na napigilang magsalita ni Senator Manny Pacquiao sa pagpapa-pampam na naman umano o papansin ni Floyd Mayweather, Jr.

Sa Instagram post ng fighting senator ay sinundot nito ang dating katunggali patungkol sa paggamit umano ng American boxer sa kanyang pangalan para makakuha ng atensyon.

“Looks like @FloydMayweather is using my name again to get himself some attention. #FunnyMoney,” sabi ni Pacquiao.

Sinabi ito ng Pinoy ring icon matapos kumalat ang video na tuloy na ang rematch ng dalawang sikat na boksingero.

Nagpunta pa umano sa Saudi Arabia si Mayweather para sa negosasyon sa niluluto nilang laban ngunit itinanggi rin bandang huli ng Kano dahil luma na umano ang nasabing bidyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?