1,183

Feb 26, 2020 @ 17:22
By

Pacquiao kay Cayetano: Hindi ako sipsip sa ABS-CBN!

Binalewala lang ni Senador Manny Pacquiao ang patutsada ni Speaker Alan Peter Cayetano na “sipsip” at “epal” ang mga dumalo sa pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN noong Lunes.

Ayon kay Pacquiao, hindi naman umano siya sa ABC-CBN at ginagampanan niya lang ang kanyang trabaho bilang senador kaya siya dumalo sa naturang pagdinig.

“Pacquiao para sa akin balewala iyon kasi hindi naman ako sipsip sa ABS-CBN at ginagawa ko lang ang trabaho ko,” reaksiyon ni Pacquiao.

Para naman kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, sigurado umano siyang hindi siya ang pinatatamaan ni Cayetano.

‘Sigurado ako, hindi ako kasali doon, kahit itanong n’yo kay Speaker Alan Cayetano, di ako kasali doon.”

Nauna nang kinuwestiyon ni Cayetano ang pagdinig at iginiit na dapat mauna sa Kamara ang mga franchise bill bago ito talakayin sa Senado.

Pero giit ni Go, tama lang din na dininig ng Senado ang iba’t ibang isyung ibinabato sa ABS-CBN.

“Para sa akin marami po ang naliwanagan, mabuti na rin po yun. Una on my part marami po akong naisiwalat at naipaintindi, naintindihan na ng Filipino,” sabi ni Go.

“Kung ano ang isa sa naging rason sabi ko nga may kumasa eh, may taong kumasa sa inyo, ito ang presidente na talagang kakasa,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?