43

By

Pacquiao kampeon din sa Senado – Finance Asec. Lambino

Hangad ng Malacañang ang tagumpay ni Senador Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Adrian Broner ngayong Linggo.

Sinabi ni Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino na hindi lang boxing champion si Pacquiao kundi kampeon din ito sa Senado dahil sa isinulong nitong panukalang batas para taasan ang buwis sa sigarilyo.

Para kay Lambino si Pacquiao ay hindi lang champion sa boxing ring kundi champion din sa puso ng mga Filipino.

“We wish Senator Manny good luck sa kaniyang nalalapit na laban ngayong linggo; siya po ay ang kampeon ng ating mga puso at baga,” ani Lambino.

Hiniling ni Lambino sa mga Filipino na ipagdasal ang tagumpay ni Pacquiao sa kanyang laban.

Batay sa isinulong na bill ni Pacquiao, kaya nitong punan ang P40 billion gap para maipatupad ang Universal Health Care Program ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?