167

Oct 26, 2021 @ 18:27
By

Pacquiao kakasa sa face-to-face debate

Kung si Senador Manny Pacquiao ang tatanungin, mas gusto niyang makipagdebate nang harap-harapan sa kapwa niya mga kandidato para sa pagka-pangulo sa Eleksiyon 2022.

“Personal. Face-to-face, bakit online? Ano, natatakot sila? ‘Wag na online, online para magkaalaman,” sabi ni Pacquiao sa interbyu ng media sa kanyang pagbisita sa Baguio City.

“Sinasabi ko sa inyo, hindi ako papasok dito kung ‘di ko alam gagawin ko,” dagdag pa nito.

Ilan sa agenda na kanyang ilalatag sa presidential debate ay anti-corruption drive, economic growth and development, trabaho, kabuhayan, healthcare at pabahay.

Pabor naman si Pacquiao sa panukalang tanggalin ang ‘withdrawal’ bilang isa sa mga ground ng pagpapalit ng mga kandidato.

“‘Yung substitution na ‘yan gusto ko amyendahan din ‘yan dahil inaabuso naman,” sabi ni Pacquiao.

“Siguro palitan, i-specify natin doon may substitution pa rin pero dun lang sa kung namatay ang nag-file, nasiraan ang ulo hindi na makatuloy ng kampanya, o nagkasakit nang malubha, ‘yun lang siguro ang puwedeng mag-substitute,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?