89

Sep 9, 2021 @ 16:44
By

Pacquiao inawat gusot sa kanyang team

Inako na lamang ni Manny Pacquiao ang kasalanan sa kanyang pagkatalo noong Agosto kay Yordenis Ugas para matigil na ang napabalitang gulo sa pagitan ng mga miyembro ng kanyang team.

Ilan sa mga naiulat na gusot sa team Pacquiao ay ang paninisi umano ni coach Freddie Roach sa strength and conditioning trainer ni Pacman na si Justin Fortune.

Matatandaang pinulikat umano si Pacquiao kaya nahirapan lumaban kay Ugas.

Ang isa pang gusot ay nagkalabuan umano sina Buboy Fernandez at Roach kung sino ang main coach ni Pacquiao sa laban.

Kaya naman, para matigil ang mga ingay ay inako na lamang ni Pacman ang sisi.

“Sabihin ko na lang, para hindi sila nagsisisihan or nag-aaway, sa akin na lang i-blame lahat,” wika ni Pacquiao.

Gayundin, sinabi ng boxer-senador na nasobrahan siya sa training kaya pinulikat.

“Siguro sa sobrang passionate ko, na over-train ako,” dagdag pa ng 42-anyos na boksingero.

“Tanggapin ko na lang. That’s boxing, e,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?