180

Aug 6, 2019 @ 16:12
By

Pacquiao No. 3 na sa pound for pound

Umakyat sa ikatlong puwesto sa pound for pound list si Senator Manny Pacquiao matapos nakawin ang World Boxing Association (WBA) welterweight crown kay Keith Thurman nitong Hulyo 21.

Sa edad niyang 40 ay tila bumata ng 10 taon ang fighting senator nang mapatumba nito si Thurman sa unang round ng kanilang laban sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa ngayon ay hawak ni Canelo Alvarez ang top spot ngunit isang panalo na lang ni ‘The Pacman’ ay mananakaw na nito ang title na P4P #1 at 40.

Marami namang gustong makasagupa sa ring ang `Pambansang Kamao.’ Isa sa matapang na naghamon ay si IBF welterweight champion Errol Spence, Jr.

“Pacquiao is the biggest fight for me,” sambit nito sa interview sa kanya ni Ellie Seckbach ng EsNews.

Sa susunod na buwan ay makakalaban ni Spence si World Boxing Council welterweight king Shawn Porter sa Staples Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?