332

Aug 27, 2019 @ 21:38
By

Pacquiao: Hindi ako greedy, ‘di ko madadala ang yaman ko sa hukay

Bagama’t isa na siyang ganap na mayaman, binigyang-diin ni Senador Manny Pacquiao na hindi niya ito madadala sa hukay o sa kanyang kamatayan.

“Hindi ako greedy person na itatago ko ang yaman ko, pag namatay ako di ko madala ‘yan. We came into this world naked and we will depart alone in naked,” pahayag ni Pacquiao.

“Wala tayong madadala, iiwanan natin lahat ‘yan. Sayang ‘yung pera o kayamanan na nakatago lang sa bahay mo o sa bangko, kung di mo tinutulong sa kapwa mo pag namatay kay iiwan mo lang ‘yun. Dapat ma-realize natin lahat ‘yan,” dagdag pa nito.

Ginawa ng senador ang mensahe bilang bahagi ng kanyang manifestation kasunod ng privilege speech ng kaalyadong si Senador Bong Go tungkol sa Malasakit Center na nauna nang binatikos ni Albay Representative Edcel Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?