369
Pacquiao handang durugin si Spence
By

Pacquiao handang durugin si Spence

Si Errol Spence na ba ang susunod na makakasapakan ng ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao?

Matapos gibain ni Spence si Mikey Garcia via unanimous decision, 120-107, 120-108, 120-108, nitong Linggo, oras sa Pilipinas, tinawag nito sa ring ang nanood na si Pacquiao para hamunin sa laban.

“He’s been here before, he’s broke records before, he’s a legend of the sport and it would be my honor to fight him next,” ayon kay Spence matapos manatiling International Boxing Federation welterweight champion.

Naging positibo naman ang tugon ng 40-anyos na si Pacquiao sa hamon ng mas higit na batang si Spence.

“Yeah, why not? We’ll give the fans a good fight,” ayon kay Pac-man.

Kung sakali posibleng unification bout ang paglabanan ng dalawang matikas na boksingero, hawak pa ngayon ni Pacquiao ang World Boxing Association welterweight title na nakuha kay Lucas Matthysse noong nakaraang taon.

Si Spence ang ikalawang best welterweight fighter sa ngayon, hawak ang busilak na 25W-0L record at kilala ring knockout specialist sa 21 KOs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?