182

Nov 18, 2021 @ 19:58
By

Pacquiao hahatakin 10 bilyonaryong kaibigan na magnegosyo sa ‘Pinas

Sinabi ni Senador Manny Pacquiao na gagamitin niya ang kanyang celebrity status para makahikayat ng mga foreign investor sa Pilipinas at magbigay ng trabaho sa mahihirap.

Ani Pacquiao, sampung bilyonaryong kaibigan niya ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa bansa pero kailangan daw muna niyang sugpuin ang korapsyon.

Gayundin aniya, dapat tugunan ang hindi maaasahang internet sa bansa at suplay ng kuryente.

“May mga kaibigan ako na mga malalaking negosyante at mga mayayaman sa ibang bansa na naka-ready na tumulong sa Pilipinas. Ayaw lang talaga nila itong napakatinding korapsyon sa ating gobyerno,” saad ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?