26

Jul 16, 2021 @ 18:03
By

Pacquiao: Ginugulo nila ako, gusto nila akong matalo

Inakusahan ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang mga kalaban sa politika ng panggugulo at pinagmumukha siyang tanga habang patuloy siyang nagsasanay sa US para sa nalalapit niyang laban kontra Errol Spence sa susunod na buwan.

“I’m sure that’s what they want to do, trying to distract me… para ma-distract ako, matalo ako. Hindi naman tayo pinanganak kahapon lang o hindi naman tayo natutulog sa pansitan,” pahayag ni Pacquiao sa panayam sa DZBB.

Nang tanungin kung ang pag-atake sa kanya ay may kinalaman sa plano sa 2022 elections, sinabi nitong gusto ng kanyang mga kaaway na magmukha siyang tanga.

“Para magmukha akong tanga,” sabi ni Pacquiao.

Ayon pa sa senador, namomonitor naman umano aniya ang lahat ng mga atake at alegasyong ibinabato sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika.

“Grabeng atake nila sa akin, grabeng paninira nila sa akin. Wala naman akong sinasabi. Sa totoo lang hindi naman ako nagnakaw, hindi naman ako nanloko ng tao, hindi naman ako nang-agrabyado,” lahad ni Pacquiao.

Binigyang-diin pa ng senador, na sinusunod lang niya ang kanyang puso na ipaglaban ang sambayanang Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

“Kasalanan ko ba ‘yun? Kasalanan ko ba na tumayo ako sa katotohanan, tumayo na ipaglaban ang tao?” tanong ni Pacquiao.

“Kasalanan ko ba ‘yun na ayaw kong makipag-compromise? Hindi ko kasalanan ‘yung ayokong makipag-compromise at gusto ko magserbisyo nang tama,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?