170

Dec 21, 2017 @ 19:23
By

Pacquiao fam Korean style ang drama ngayong Pasko

Biyaheng Korea naman ang pamilya ni Sen. Manny Pacquiao ngayong Pasko.

“Off to vacation with my family,” ang simpleng caption ni Pacman sa photo nila ni Jinkee, kasama ang dalawang anak.

Makikita rin sa Instagram account ni Jinkee ang iba’t ibang photos niya kasama ang iba pa nilang anak. Mega-selfie ang dyowa ni Pacman, at ang bongga rin talaga mag-outfit ni Jinkee.

Walang sinabi si Jinkee kung hanggang kailan sila sa Seoul, Korea. Kung aabutin sila ng Pasko roon.

Pero, matupad na kaya ang wish ni Jinkee na maka-face-to-face niya ang K-pop idol niyang si Ji Chang Wook? Magawan kaya ng paraan ni Sen. Pacquiao na maging masaya talaga ang Pasko ng K-adik niyang misis?

Well, abang-abang na lang tayo sa mga photo nila na ipu-post sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?