33

Nov 10, 2021 @ 15:45
By

Pacquiao: Face shield kalokohan, pinagkakitaan lang

Binatikos ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao ang magkakaibang pahayag ng gobyerno hinggil sa polisiya sa mandatory use ng face shield.

“I hope the Inter-Agency Task Force will issue a formal announcement on this issue as we have been getting two views from two different entities. Parang hindi sila nag-uusap kung ano talaga ang dapat gawin,” sabi ni Pacquiao sa isang statement.

“Which is the correct policy? Ano ba talaga ang dapat? Kulang pa ba ang kinita nung mga nagpipilit na gamitin ito? Clarity is what we need from the government at this point when COVID-19 is still raging despite the heightened vaccination program and the lower number of cases in recent days,” dagdag nito.

Ang kalituhan sa paggamit ng face shield ay nangyari matapos bansagan ng Malacanang na “null and void” ang executive order na inisyu ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-aalis ng face shield requirement sa pampublikong lugar maliban sa mga medical facility.

Subalit taliwas ito sa sinasabi Interior Secretary Eduardo Año na hindi “null and void” ang local executive orders na nag-aalis ng face shield requirement.

“We’re getting mixed signals from the government, with the presidential spokesman saying that local ordinances removing the face shield requirement are ‘null and void’ while the DILG [Department of the Interior and Local Government] says the contrary,” sabi ni Pacquiao.

Ipinagtataka ni Pacquiao patuloy pa ring ipinipilit ang paggamit ng face shield na aniya’y naging ugat naman ng korapsyon na ilang sa gobyerno.

“Napakalaking palaisipan sa akin talaga kung bakit ipinipilit nila itong face shield. Alam naman natin na kalokohan lang yan at pinagkakakitaan lang pero di naman talaga nakakatulong,” ayon sa senador.

“They claim that this policy was based on a study that it can offer an additional layer of protection but did not offer clear scientific proof based on actual tests, ,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?