151

Nov 17, 2021 @ 18:58
By

Pacquiao dudang makokontrol ni Duterte Senado

Nagpahayag ng pagdududa si Senador Manny Pacquiao na kayang kontrolin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado kapag nanalo itong senador sa Halalan 2022.

Reaksyon ito ni Pacquiao sa mga ulat na tatakbo sa senatorial race ang Pangulo para makontrol ang lehislatura.

Ani Pacquiao, ang Senado ay binubuo ng “24 independent minds”.

“I’m not in a position para husgahan ang Pangulong Duterte pagdating sa kanyang desisyon sa pagtakbo,” lahad ni Pacquiao.

“The Senate has and will always be a congregation of 24 independent minds and I don’t see any reason why it would cease to become on for any reason,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?