389

By

Pacquiao dismayado sa mga politiko, binalak na mag-resign

Sharing is caring!

Maraming beses na umanong naisip ni Senador Manny Pacquiao na magbitiw sa pagiging senador.

Masyado umano siyang nadismaya sa kanyang karanasan sa mga pulitiko na mayroong “hidden agenda” at sa mga “destabilizer” na gustong pabagsakin ang gobyerno.

“Sabi ko sa asawa ko parang gusto kong mag-resign,” ani Pacquiao.

Partikular umano niyang ikinadidismaya ang ilang pulitiko na nagpapanggap lamang sa pagtulong sa mahihirap at ang tunay na pakay ay pansariling pakinabang.

“Alam mo sa totoo lang nadiskubre ko parang kung tatanungin mo ako ngayon, sa politika, parang gusto kong madismaya, ma-discourage. Gusto kong umayaw. Ganito pala ‘yung politika. Kasi hindi ako marunong mamulitika e,” pahayag nito.

Hindi naman umano siya makabitiw dahil inaalala niya ang pagtulong sa mga mahihirap.

Ang mga katulad daw niya na nanggaling sa hirap ang makakaunawa at talagang tutulong sa nangangailangan.

“Pag umayaw naman ako, sino na lang tutulong sa mahihirap,” dagdag nito.

“The rich people, alam nila ‘yung problem ng mga mahihirap pero hindi nila nararamdaman. Iba ‘yung nalaman mo ang problem ng mga mahihirap at nararamdaman mo,” ayon pa kay Pacquiao. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?